Dinagsa na ngayong araw ang bilihan ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila, isang araw bago ang Undas.
Isa na rito si John Malts, mamimili ng bulaklak sa Dangwa na mula pa sa Meycauyan, Bulacan. Aniya, ngayon lamang siya nakapunta sa Dangwa para bumili ng bulaklak para sa undas dahil ngayong araw lang din natapos ang kanyang trabaho. Bahagyang nasa murang presyo na lamang din niyang nakuha ang mga bulaklak dahil nakakahingi naman daw siya ng diskwento.
Inihayag din ni Concon Cansino, nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa, bahagya ng bumababa ang presyo ng mga bulaklak kumpara noong October 29 hanggang 30 dahil natatakot ang mga tindera na magkaroon ng mga matitira kaya ang iba ay bina-bargain na lamang.
Kaugnay nito, walang pagbabago sa mga presyo ng kandila na kadalasang itinitirik sa mga puntod sa mga sementeryo. Ayon sa mga tindera hindi nila nakikitaan ng pagtaas o pagbaba ang mga ito.