-- Advertisements --

Isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Dani Barretto para sa kanyang half-sister na si Claudia Barretto at longtime boyfriend nitong si Basti Lorenzo, kasunod ng kanilang pag-iisang dibdib matapos ang 10 taong relasyon.

Sa kanyang mensahe, binati ni Dani ang bagong kasal at pinuri ang kanilang pagmamahalan.

‘Savor every second, hold each other a little tighter… You deserve every bit of it,” ani Dani.

Nagbigay din siya ng payo na huwag hayaang sirain ng iba ang kanilang kaligayahan, na maaring patama sa isyu kaugnay ng social media post ng ama ni Claudia na si Dennis Padilla.

Ayon kay Dennis, tila wala siyang naging papel sa kasal, at ang trato umano sa kanya ay tila bisita lamang, hindi “father of the bride.”

Sa huli, ipinahayag ni Dani ang kanyang labis na pagmamahal kay Claudia, sabay hiling ng habambuhay na kaligayahan at pag-ibig para sa bagong mag-asawa.

‘I wish you both a lifetime of happiness, adventure, and love that only grows deeper with time (heart emoji),’ post nito.

‘I love you more than words can ever express @claudia (heart emoji),’ dagdag pa nito.