Tila hindi tinantanan ng mga netizen ang mga usap-usapan hinggil sa nangyaring di-umano’y kaguluhan sa after party ng isang sikat na ball na ginanap sa Sjybar ng sikat na resort sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi, Abril 4, 2025.
Ani ng mga insider sangkot umano sa kaguluhan sina Daniel Padilla at Kyle Echarri dahil nagselos daw si Daniel kay Kyle at hindi din umano ito naging komportable sa hawak nito sa ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.
Batay naman sa mga naglabasang mga video mula sa mga saksi magkasama si Kathryn at Kyle sa after party na may temang ‘Brighter Togerther’ kung saan makikita ang dalawa na magka-holding hands na naglalakad.
Kasama ng dalawa ang kapwa aktres at aktor na sina Dolly de Leon, Donny Pangilinan, at Belle Mariano.
Ayon pa sa mga ulat may iba pang mga artista ang nadamay sa kaguluhan kasama ang singer at kapwa aktor at kaibigan ni Kyle na si JK Labajo at co-star sa series ni Daniel na si Richard Gutierrez.
Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung totoo ang mga kumakalat na balita at kasalukuyang tikom ang bibig ng mga nabanggit na karakter sa kontrobersiya.
Habang tanging ang mga hindi artistang nakasaksi sa pangyayari ang detalyadong nagkukuwento tungkol sa kanilang mga nakita kaya ito ang mainit na tinatalakay ngayon online.
Kung mababatid na noong 2011, pinagpiyestahan din ang kontrobersyal na gulo sa pagitan nina Coco Martin at Matteo Guidicelli sa Star Magic Ball dahil kay Maja Salvador.