-- Advertisements --

Tinanghal bilang Mr. World 2024 ang pambato ng Puerto Rico na si Daniel Mejia sa Vietnam kahapon ng gabi, Nobyembre 23, kung saan nangibabaw ito sa 59 na mga contestant na gusto makuha ang titulo bilang Mr. World 2024.

Ito na ang pangatlong panalo ng bansa simula noong taong 1998 at 2016. Nagwagi rin si Mejia sa talent at sports challenge noong pre-pageant.

Nakuha naman ng pambato ng Vietnam, Pham Tuan Ngoc ang titulong 1st runner-up, habang si Antonio Company ng Spain at Felipe Salazar Maria ng Angola ang nakakuha ng 2nd at 3rd runner up na titulo.

Bigo naman maiuwi ng pambato ng Pilipinas na si Kirk Bondad ang titulo bilang Mr. World 2024 matapos itong mapabilang sa Top 20 ng kompetsiyon kasama ang mga pambato nang Angola, Argentina, Belgium, Czech Republic, India, Italy, Kenya, Lebanon, Mexico, Myanmar, Peru, Sierra Leone, Sri Lanka, Turkey, USA, at Venezuela.

Ang pageant favorite at ex. Manhunt winner na si Lochlan Carey ng Australia bigo naman makapasok ng Top 20.

Present din ang Miss World Chief Executive Officer Julia Morley at ang reigning Queen ng Ms World na si Krystyna Pyszcova bilang judges sa Mr. World 2024 pageant.