Idineklara bilang bagong Pangulo ng Ecuador si Daniel Noboa sa katatapos na halalan sa naturang bansa.
Tinalo ni Noboa ang kaniyang kalabang leftist na si Luisa Gonzalez sa pamamagitan ng nakuhang mahigit isang milyong botong kalamangan.
Subalit, hayagang sinabi ni Gonzalez sa harap ng kaniyang mga tagasuporta na hindi niya tanggap ang resulta ng halalan at kaniyang ide-demand na ulitin ang pagbibilang ng mga boto.
Tinawag din nito ang resulta ng halalan bilang “the worst and most grotesque electoral fraud” sa kasaysayan ng Ecuador.
Samantala, nangako naman ang 37 anyos na si Noboa na ipagpapatuloy niya ang paglaban sa drug gangs at pagpapalakas pa ng kanilang naghihirap na ekonomiya sa kaniyang buong apat na taong termino.
Pinasalamatan din ni Noboa ang kaniyang supporters mula sa beach town ng Olon at sinabing walang duda sa kaniyang pagkapanalo bilang Pangulo.
Matatandaan, nahalal si Noboa noong bilang ika-48 Pangulo ng Ecuador noong 2023 snap election sa edad na 35 para isilbi ang natitirang mandato ng kaniyang predecessor.
Si Noboa ang ikalawang pinakabatang Presidente na nahalal sa buong kasaysayan ng Ecuador