-- Advertisements --
Tinanghal bilang pinakabagong Chess Grand Master ng bansa ang 20-anyos na binata mula sa Cavite na si Daniel Quizon.
Nakamit nito ang nasabing Grand Master rank ng maabot ng 2,500-rating barrier at matapos na talunin niya si Russian-born Monegasque GM Igor Efimov.
Si Quizon ang pinakahuling Pinoy Grand Master kasunod nina Oliver Barbosa at Richard Bitoon na tinanghal noong 2011.
Makakatanggap naman ito ng P1-milyon na cash incentives mula kay Dasmarinas City Mayor Jenny Barzaga.
Bumuhos naman ng pagbati kay Quizon mula sa iba’t-ibang sports personalities matapos ang nasabing tagumpay.