-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan ang Danish football star na si Christian Eriksen matapos ang matagumpay na operasyon.

Ayon sa Danish Football Association na nilagyan ng implantable cardioverter defibrillator (ICD) ang 29-anyos na si Eriksen.

Ang ICD ay maliit na device na inilalagay sa balat ng tao para i-monitor ang heart rate.

Nakakonekta ito sa manipis na wires na maaaring mag-regulate ng abnormal heart rhythms sa pamamagitan ng electric shocks.

Magugunitang biglang nawalan ng malay si Eriksen sa kasagsagan ng laro ng koponan laban sa Finland.

Sa kaniyang social media ay pinasalamatan nito ang mga fans niya na nagdasal para sa mabilisang paggaling nito.