-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Judy Carol Dansal bilang miyembro ng National Food Authority Council kapalit ni dating NFA administrator Jason Aquino.

Batay sa appointment paper na inilabas ng Malacañang, pagsisilbihan ni Dansal ang natitirang termino ni Aquino hanggang June 30 ngayong taon.

Si Dansal ay dating NFA deputy administrator for marketing operations.

Una ng hiniling ni Aquino kay Pangulong Duterte na alisin siya sa pwesto dahil hindi siya makasabay sa dynamics o kalakaran sa NFA.