-- Advertisements --

Tinapos na umano ni Houston Rockets coach Mike D’Antoni ang kanilang diskusyon ng management ukol sa isang contract extension.

Ayon kay D’Antoni, hindi raw sila magkasundo ng pamunuan ng Rockets tungkol sa mga detalye ng pagpapalawig ng kanyang kontrata sa team.

Kasalukuyan pang nakakontrata sa Houston si D’Antoni hanggang sa susunod na season, na kanya nang ikaapat na taon sa Rockets.

“We could not come to terms on an extension,” wika ni D’Antoni. “I have my contract still. I’m looking forward to the year and having a great season.

Nais naman ni D’Antoni na kumpletuhin ang huling season sa kanyang kontrata sa 2019-20, na posibleng magbigay-daan sa kanyang free agency sa susunod na taon.

Batay sa mga sources, ipinabatid na umano ng agent ni D’Antoni na si Warren LeGarie kay Rockets general manager Daryl Morey ang pasya ng coach.

Una nang sinabi ng 68-year-old head mentor na nais pa niya sanang manatili sa Rockets ng hanggang tatlong taon.

“I’ve let Daryl and (owner) Tilman (Fertitta) know that I’m energized to keep coaching — and believe that I can continue to do this at a high-level for at least another three years,” ani D’Antoni.