VIGAN CITY – Nadagdagan pa ang kabuuang halaga ng danyos sa lalawigan ng Ilocos Sur sa nagdaang bagyo Maring.
Sa huling tala ng Ilocos Sur Provincial Government, aabot na sa P671 million ang danyos sa sektor ng agrikultura kasama na dito ang mga magsasaka, mangingisda at ang livestock sector.
PHP1.6-B ang halaga sa rehabilitasyon ng mga tulay, kalsada, gusali at flood control project na sinira ng bagyo.
Aabot naman sa 69, 659 na pamilia o katumbas ng 226, 433 katao mula sa 395 na barangay na naging apektado ng Bagyo Maring.
13 na Ang kumpirmadong patay base sa Tala ng PDRRMC at Municipal Police Stations sa lalawigan.
Kahapon inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Provincial Resolution No. 0565 series of 2021 o ang pagdedeklara ng State of Calamity sa probinsya ng Ilocos Sur.