-- Advertisements --
linog 4

BUTUAN CITY – Nakapagtala na ng mga danyos at injuries ang magnitude 5.5 na lindol na yumanig kaninang alas-4:42 ng madaling araw sa bayan ng Cortes, Surigao del Sur.

Ayon kay Johanne Keziah na taga-Madrid, Surigao del Sur, ini-refer na sa Tandag City ang kanyang kapatid na si Yenyen na unang dinala sa district hospital ng kanilang bayan upang magamot matapos matamaan ng mga nabasag na salamin mula sa kanilang divider.

Kino-cover umano ni Yenyen ang anak nitong si Thyne kung kaya’t sa kanya tumama ang tatlong piraso sa mga nabasag na salamin ng divider.

Ini-refer na siya sa Tandag City upang masuring mabuti dahil pinaghihinalaan ng doktor na posibleng may tumagos sa kanyang katawan malapit sa kanyang kidneys.

Samantala sugatan din ang isang lolo sa bayan din ng Madrid matapos matamaan ng nabasag na salamin ng TV set nang kanya namang kino-cover ang kanyang katawan upang maprotektahan ang kanyang apo.

May naitala ding mga danyos sa mga simbahan sa bayan ng Carasscal at Madrid maliban pa sa natapon na mga gamit sa Madrid District Hospital gaya ng natumbang oxygen tanks at natapon na mga gamot at tubig.