-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang ina-assess ng probinsyal na pamahalaan ng Agusan del Sur kung ligtas pa bang gagamitin ang iilang pasilidad ng V.G. Plaza Memorial Hospital sa bayan ng Bunawan matapos itong matamaan ng landslide kahapon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Alexis Cabardo, information officer ng Agusan del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, na nagka-landslide sa likurang bahagi ng nasabing ospital dahil sa ilang araw ng pag-ulan na hatid ng shearline at nasira ang doctos’ quarter pati na ang tuberculosis o TB at Human Immuno-Deficiency Virus o HIV isolation facilities.

Nilinaw ni Cabardo na hindi nasira ang mga major facilities ng ospital at wala ring naitalang casualty.

Inalam na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang kabuu-ang danyos na hatid ng landslide sa nasabing ospital.