Umabot na sa P170M ang halaga ng pinsalang iniwan ng Magnitude 7.4 na lindol sa sektor ng pagsasaka at imprastraktura.
Ito ay batay sa inilabas na datus ngayong araw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Karamihan sa mga nasira ay ang mga istrakturang pang-agrikultura, kalsada, tulay, at iba pang pampublikong imprastraktura.
Ayon sa NDRRMC, umabot sa 576 na kalsada at mga tulay ang nakitaan ng sira. 364 dito ay mula sa Caraga Region at may naitalang P134million na danyos.
Ang nalalabi ay pawang sa Davao region na.
Umabot naman sa P14.5 million ang halaga ng mga irrigation canal na nakitaan ng bitak at kailangang ayusin.
Ayon sa naturang konseho, ang nangyaring lindol ay nagdulot pa ng tatlong kumpirmadong sunog at landslide sa Surigao del Sur.