Umabot na sa P360.8 million ang halaga ng pinsalang iniwan ng malawakang pagbaha sa sektor ng pangisdaan ayon sa Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction Management Operations Center.
Mula sa naturang halaga, natukoy na apektado ang hanggang 3,334 na mga mangingisda ng bansa.
Ilan sa mga nagtala ng pinsala ay mga palaisdaang umapaw, fish cage, aquaculture, at mga gamit pangisda na naisama sa tubig-baha at nasira.
Ang mga ito ay naitala mula sa iba’t-ibang mga rehiyon katulad ng Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at iba pang mga rehiyon sa Mindanao at Visayas.
Tiniyak naman ng DA na nakahanda ang tulong na maaring ipamahagi sa mga mangingisdang naapektuhan, kabilang na dito ang libreng fingerlings, fishing gears, at fishing paraphernalia sa pamamagitan ng attached agency nito na Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.