-- Advertisements --
Lalo pang lumobo ang halaga ng pinsalang iniwan ng malawakang pagbaha sa mga sektor ng imprastraktura at pagsasaka.
Batay sa pinakahuling datus ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lumobo na ang pinagsamang danyos sa P5.98 billion.
Sa naturang halaga, P4.17 billion ang pinsala sa agrikultura habang P1.81 billion naman sa imprastraktura.
Ilan sa mga labis na nakapagtala ng danyos ay ang mga sakahan ng palay, mais, at mga high value crops habang nakapagtala rin ng malaking pinsala sa mga palaisdaang umapaw, irrigation facilities at agricultural machineries.
Sa imprastraktura, naitalang nasira ang ilang bahagi ng mga kakalsadahan at tulay na inabot ng tubig baha.