-- Advertisements --

Umabot na sa P20.6 million ang naitalang pinsala na iniwan ng ST Julian sa power sector.

Batay sa report ng National Electrification Administration (NEA), malaking bahagi nito ay mula sa mga probinsya ng Benguet, Abra, at Batanes.

Ito ay batay na rin sa inisyal na assessment ng NEA-Disaster Risk Reduction and Management Department, kasunod na rin ng evaluation ng mga field personnel nito.

Malaking bahagi nito ay mula sa Batanes EC na nagtala ng hanggang P19.588 million.

Hanggang kahapon, apektado pa rin ang kabuuang 6,329 consumer sa Batanes. Ang mga ito ay mula sa bayan ng Ivana, Mahatao, at Uyugan.