-- Advertisements --

TACLOBAN CITY — Aabot na ng P7 million ang inisyal na danyos sa imprastraktura sa bayan ng Can-avid Samar dahil sa nangyaring malakas na lindol.

Ayon kay Ivy Capada,MDRRMO ng Can-Avid, inaasahan pa na madaragdagan ang naturang halaga ng danyos dahil sa patuloy pa ang ginagawa nilang assessment.

Dagdag pa nito na limang mga baragay sa kanilang bayan ang masyadong nasalanta ng lindol kung saan maraming kabahayan ang gumuho.

Samantala wala namang naitalang casualty at injured sa kanilang munisipalidad.

Nag-abiso naman an MDRRMO sa mga resident na manatiling vigilante dahil sa mga aftreshocks ng naturang lindol.