-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Aabot na P22.6-M ang danyos sa sektor nga agrikultura at imprastraktura sa rehion Cordillera dahil sa patuloy na pananalasa ng habagat.

Sa datus ng Department of Social Welfare ang Development (DSWD) -Cordillera, aabot na sa P5.3-M ang inisyal na danyos sa mga kalsada sa rehion habang aabot sa P17.3-M sa sektor ng agrikultura, partikular ang livestock, high value crops at mais.

Ayon naman sa Cordillera Regional DRRM Council, nasa 17,160 ang pamilya na binubuo ng mahigit 64,700 na indibidual ang apetado ng habagat.

Sa nasabing bilang, 13 pamilya na binubuo ng 53 indibidual ang lumikas sa mga evacuation centers habang 238 na pamilya na binubuio ng 1,000 indibidual ang lumikas sa mga kamag-anak ng mga ito.

Aabot na rin sa 300 ang apektadong barangay sa mga 37 na munisipyo sa rehiyon

Patuloy rin ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga Dam sa lalawigan sa Benguet kung saan huling nagpakawala ang mga ito ng tig-dalawang gates sa parehong taas na isang metro.

Samantala, isang road section ang punch-thru habang 24 na road sections ang one-lane passable at tatlo ang road sections ang nakasara sa trapiko.

Sa ngayon, nakahanda na ang mahigit 26,700 na family food packs ng DSWD-Cordillera habang nadagdagan ng 500 sets ng sleeping kits, 50 rolls ng laminated sacks at 50 sets ng family tents ng stockpile ng naturang ahensia.