-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagkakahalaga ng P7.5-Million ang danyus sa pananalasa ng Bagyong Ambo sa Cordillera Administrative Region.

Batay sa assesment ng Cordillera Regional Disaster and Risk Reduction Management Council at Office of Civil Defense Cordillera, ito ay dahil sa pagkasira ng ilang kalsada sa Licuan-Baay at Malibcong sa Abra gayundin sa Tinoc, Ifugao.

Nagresulta rin ang nasabing bagyo sa paglikas ng 37 pamilya sa Itogon, Benguet at sa Lamut, Ifugao.

Sa kabila nito, sinabi ng ahensiya na hindi naman malala ang epekto ng Bagyong Ambo sa Cordillera sa sektor ng agrikultura at wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.