-- Advertisements --

Nakapagtala ng nasa P6.98M na danyos sa produktong pang-agrikultura ang syudad ng Zamboanga matapos ang nangyari malakas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw na nagresulta sa malakawang pagbaha.

Sa inisyal na ulat ng City Agriculture Office, nasa 95.6 hectares ng sakahan umano ang tuluyang nasira na nakaapekto naman sa nasa 104 na mga magsasaka sa lugar.

Kung saan tatlong barangay umano sa syudad na kinabibilangan ng Vitali, Curuan, at Ayala district ang lubhang naapektuhan na umabot sa 82.3 hectares na palayan ang pinadapa ng tubig baha dulot ng malakas na pag-ulan.

Nasa 8 ektarya naman ng maisan at 5.5 hectares ng high valued commercial crops ang nasira.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang assessment ng kagawaran hinggil sa kabuuang danyos upang agad na maabutan ng tulong ang mga apektadong magsasaka.