-- Advertisements --
image 134

Tinatayang aabot sa halagang P245million ang danyos ng pinsala kasunod ng insidente ng sunog sa isang commercial building sa isang bus terminal sa Cubao, Quezon City.

Walang namang naiulat na nasawi sa sunog na ngunit isa ang naitalang nasaktan sa naturang insidente.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa sanitation barracks ng apektadong commercial building alas-4:46 ng hapon.

Kung matatandaan, umabot ito sa Task Force Bravo bandang alas-5:08 ng hapon at nahirapan umano ang mga awtoridad na apulahin ang apoy.

Una ng rumesponde ang 28 firetrucks at kalaunan ay idineklara ang fire out alas-10:09 ng gabi.