CENTRAL MINDANAO-Binisita ni Special Area for Agricultural Development o SAAD National Director Myer Mula ang probinsya ng Cotabato.
Ito ay upang matiyak na naipatupad ng maayos dito ang kanilang mga programa.
Kabilang sa mga programang ipinatutupad sa lalawigan ng SAAD ay ang Chicken Layered Egg Production sa Barangay Sibsib, Tulunan Cotabato; Integrated Corn Production sa Barangay Guiling , Upland Rice Production sa Brgy. Dado, at Community-based vegetable production at food processing building sa Barangay Rangayen na pawang nasa bayan ng Alamada Cotabato.
Kasabay nito, namahagi din ng dagdag na interbensyon sa apat na farmers association ang SAAD tulad ng binhi, abono, sprayers, alagaing mga hayop at iba pa.
Sinabi ni Mula, sa pamamagitan ng dagdag na tulong ng SAAD program ay inaasahang mas mapaunlad pa ng mga benepisyaryong mga magsasaka ang kanilang kabuhayan.
Umaasa din si Mula na tatagal pa hanggang 2026 ang SAAD program para makapagbigay ng dagdag na tulong sa mga magsasaka lalo na ang mga nasa upland areas.