Pinayuhan ni Sen. Antonio Trillanes IV ang gobyerno na hayaan munang manatili ang operasyon ng Kabus Padatuon (KAPA) kahit 30 para maibalik ang mga nakolektang pera.
Ayon kay Trillanes, mainam na magkaroon ng inventory at distribution plan ang pamahalaan para mabilis na maisauli ang pera sa kinauukulan.
Para sa KAPA members, pinayuhan ng senador na maghain ng demanda ang mga ito kung sa pakiramdam nila ay nasagkaan ang kanilang karapatan.
Pero una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang magpatuloy ang KAPA dahil malinaw na swindling ito at ikinukubli lamang sa pagiging relihiyon ng founder na si Joel Apolinario.
Pagbabanta pa ng presidente, babantayan niya ang pastor dahil sa mga iligal nitong gawain at pananagutin sa batas.