-- Advertisements --

Hinimok ni Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe ang transportation officials na maghanap muna ng lighter options ngayong nakabinbin sa korte ang isyu ng provincial bus ban.

Ayon kay Poe, maaaring pakiusapan ang malls na may convertible parking lot na magamit muna o kaya ang ibang area sa Metro Manila na hindi lubhang malayo.

Maging si Mayor Rex Gatchalian kasi ng Valenzuela ay aminadong hindi pa sila lubos na handa sa implimentasyon ng bus ban.

Habang sa Sta. Rosa, Laguna naman ay napakalayo nito at pinag-aaralan pa kung paano kakayanin ang paghahatid ng mga pasahero mula doon at papasok ng NCR.