-- Advertisements --

Isusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pagsasapribado na lamang ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa harap ito ng kontrobersiya sa isyu ng korapsyon kaya ipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing gaming operation sa buong bansa.

Para kay Gatchalian, mas madaling i-monitor ang operasyon ng PCSO kung hawak ito ng pribadong tanggapan.

Mananatili pa rin aniya ang pagbabantay dito ng gobyerno sa pamamagitan ng regular audit, habang makokolekta naman ang angkop na buwis na pangangasiwaan ng Department of Finance.

“Para sa akin mas madaling i-audit at i-monitor dahil sa ngayon ang dami sa gobyerno pinagtatakapan at ginagamit yung mga tiga loob ng PCSO. So for example, sa collection, ina-under value nila and collection at hindi binibigay sa gobyerno. So kung tatanggalin mo yung participation ng gobyerno at limitado na lang ito sa audit at collection, mas simple ang sistema, kung ang gobyerno, siya ang mag-ooperate, siya pa ang mag au-audit ng sarili niya edi talagang korupsyon ang mangyayari pero para sa akin ang simpleng proseso mas madaling ma-monitor at mas madaling mangolekta,” wika ni Gatchalian.