Ginunita ng Dapitan Parish at ng Parish Pastrol Council ang ika-390th years of Christianity ng Dapitan City sa Zamboanga del Norte at ang 500 Years of Christianity in the Philippines na sinuportahan ng pamahalaang lokal ng Lungsod.
Bilang suporta kay Dapitan City Parish Priest Father Patrick Calva Dalangin, kaisa ang City Tourism Office sa paghanda sa ibat ibang aktibidad kabilang dito ang pagdiriwang sa pista ng Our Lady of the Pillar sa darating na October 12,2021.
Ayon kay Dapitan City Tourism Officer Ms. Apple Marie Agolong, apat na araw ang inihandang aktibidad ng Dapitan Parish kung saan nagsimula ito kahapon, October 9 hanggang October 10,2021.
Nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng Santos nga Misa, Triduum nga Pag-ampo sa Virgen sa Pilar at Healing Rosary for the World before the Venerated Image of Our Lady of the Pillar.
” Be proud Dapitanon that we have this religious opulence within us! First 3 days is the culmination of our celebration of the 390 Years of Christianity in Dapitan and the 500 Years of Christianity in the Philippines while the 4th Day is the celebration of the Feast of the Lady of the Pillarm” mensahe ni Dapitan City Tourism Officer, Apple Marie Agolong.
Una ng sinabi ni Agolong na inimbitahan ng Dapitan Parish si Papal Nuncio Most Rev. Charles John Brown subalit hindi ito tumugma sa iskedyul ng Papal Nuncio, dahil bibiyahe ito patungong Roma.
Sinabi ni Agolong, batay sa isinagawang research, ang Dapitan ang kauna-unahang lugar sa Mindanao ang “na-christianized” batay sa mga nakuhang dokumento na ipinadala ni Father Dalangin sa Roma.
Si Father Dalangin, ay hindi lamang isang ordinaryong pari, kundi isa rin siyang researcher at historian na nag research tungkol sa “Christianity” sa siyudad ng Dapitan.
Dahil sa kaniyang ginawang pagsasaliksik may nakuha itong katibayan, dahilan para masabi ang Dapitan ang kauna-unahang lugar sa Mindanao ang na-christianized.
Ang Dapitan ay tinaguriang “Heritage City” kung saan nakilala ito dahil dito nanirahan ang Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.
Kahapon, nagkaroon din ng Symposium sa Ylaya, isa sa “old settlements” ng siyudad kung saan sa nasabing simbahan inilagay ang mga Augustinian Recollects.
Layon din ng nasabing symposium para linawin ang lugar kung saan unang nanirahan ang mga Augustinian priests ng dumating ang mga ito sa siyudad.
Dahil sa pandemya, ikinalungkot ng Dapitan Parish at ng City government na hindi basta-basta makapunta sa Dapitan ang mga Bishops dahil sa umiiral na Health Quarantine Protocols.
Inihayag din ni Ms. Agolong na sa darating na October 12, pista ng La Virgen del Pilar ay magkakaroon sila ng Aurora na magsisimula ng alas-4:00 ng madaling araw.
Magkakaroon din ng prusisyon si St. James at ang Lady of the Pillar sa poblacion.
” This is what we do during pandemic and epidemic times, seeking mercy, grace and deliverance. It is strongly suggested to be outside their houses lighting candles and putting flowers outside and wait for the procession. Please let us not forget to observe social distancing,” dagdag pa na pahayag ni Ms Agolong.