-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Agrarian Reform ang mahigit 60,000 agrarian reform cases na matagumpay na naresolba sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, patuloy ang mga gobyerno sa pagresolba ng mga agrarian reform cases ng mga lokal na magsasaka sa bansa.

Layon ng hakbang na ito na bawasan ang mga alalahanin ng mga magsasaka sa kanilang mga sinasakang lupain.

Ani Estrella, sa ngayon ay marami pa ring nakabinbing kaso kabilang na ang mga 30-year old cases ang patuloy nilang ni-rereview.

Batay sa datos ng ahensya noong 2024, aabot sa kabuuang 65,822 na agrarian reform cases ang naitalang case load.

Mula sa nasabing numero, aabot sa 62,754 na kaso ang naresolba katumbas ito ng 95.34% resolution rate ng pamahalaan.