Inihayag ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na magbabahagi ng mahigit 800,000 titulo na ibibigay sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) bago magtapos ang termino ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos.
Aniya, mas napabilis ang proseso ng pagsasaayos ng mga titulo kaya’t mas mabilis din ito matatanggap ng mga benepisyaryo.
Tinukoy din ni Estrella na talagang lalago ang agriculture productivity sa bansa dahil sa pamamahagi ng mga titulong ito.
Dagdag pa ni Estrella, nais ng Pangulo na bigyang pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng sangkatutak na ayuda at isagawa anag farm-to-market roads para sa mabilis na kalakaran. Kasama na din sa ayudang ipapaabot ng pangulo ay ang mga makinarya na magagamit ng mga benepisyaryo sa pagsasaka.
Panawagan naman ng kalihim na sumubok ang mga magsasaka sa makabagong pamamaraan at teknolohiya.
Ito ay mas mainam upang mapabilis ang proseso sa tulong nga teknolohiya’t makinarya.
Ang bilang ng mga benepisyaryong makakatanggap ng ganitong benepisyo ay nasa higit 610,054 na mayroong P57.557 billion sa kanilang loans.