-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Puno ng pasasalamat para sa pamilya at mga tagasuporta ang mensaheng ibinahagi ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo matapos na mabatid ang partial and unofficial result sa bilangan sa mayoralty race.

Sa ibinahaging mensahe ng alkalde, nagpaabot ito ng pagbati sa mga bagong halal na opisyal ng bayan, hindi pa man pormal na naipoproklama.

Hiling rin nito ang karunungan para sa mga naturang opisyal upang mapamunuan ng maayos ang bayan.

Masaya aniya itong mapaglingkuran ang Daraga kahit sa maikling panahon lamang.

Makahulugan naman ang mensahe ni Baldo sa umano’y pananatili ng liwanag sa kabila ng mga pagtatangkang gawing madilim ang mundo.

Sa ngayon, nangunguna sa bilangan si incumbent Vice Mayor Vic Perete na sinusundan ng biyuda ng pinaslang na mambabatas, Party-list Cong. Rodel Batocabe.

Samantala, nag-recess naman ang Municipal Board of Canvassers dahil sa ilang hindi pa naita-transmit na election returns subalit magre-resume mamayang alas-1:00 ng hapon.