-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nasa Legazpi City District Jail na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo matapos na sumuko sa mga otoridad dakong alas-9:30 kaninang umaga.

Si Baldo ang itinuturong mastermind sa pamamaslang kay Party-list Cong. Rodel Batocabe at police escort nito noong Disyembre 2018.

Kasama ng alkalde sa pagsuko kay Presiding Judge Maria Theresa San Juan Loquillano sa Legazpi Regional Trial Court Branch 10, ang abogado nitong si Atty. Merito Lovensky Fernandez.

Kamakailan lamang nang ibaba ang arrest warrant laban sa alkalde para sa dalawang bilang ng kasong murder.

Samantala, nag-isyu na rin ng commitment order upang mai-detine si Baldo sa provincial jail.

Sa ngayon, mahigpit na seguridad ang ipinapatupad sa labas ng naturang jail facility.