-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Malakas ang paniniwala ni John Loyd Dilinger, kasalukuyang nagtuturo sa Zhengzhou, China, na ang cease and desist order na inilabas ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Kapas Padatoon (KAPA) Ministy International Inc. ay siya nang magiging katapusan ng kanilang operasyon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Dillinger, sinabi nito na dapat nang matakot ang KAPA kaugnay sa paglalabas ng nasabing cease and desist order dahil ipinapakita lamang ng pamahalaan na kaya nilang ipatigil ang kahit anong aktibidad na maaaring maging banta sa bansa.

Dagdag pa nito na posibleng magdala ng “dark future” sa Pilipinas ang operasyon ng KAPA na isang uri umano ng Ponzi scheme dahil sa paggawa nito ng black market na hindi kontrolado ng gobyerno.

Dahil dito ay posible ang patuloy na pagbagsak ng ekonomya ng Pilipinas.

Panawagan na lamang ni Dillinger sa kanyang kapwa Pilipino na iwasan na ang KAPA habanng maaga pa.