“Life must go on” para sa young singer na si Darren Espanto kahit pa nagluluksa ito sa balitang pinaslang ang kanyang dating road manager na si Carmencita Pelayo o mas kilala sa pangalang Karen Hernandez.
Ayon sa 17-year-old singer, nasaktan siya sa sinapit ng kanyang dating manager na itinuring niya na rin bilang kaanak.
“I still couldn’t believe the news of your passing, ate Karen. Nanginginig ako hanggang ngayon kasi di ako makapaniwala sa nabalitaan ko. Actually, ayaw ko maniwala sa totoo lang. Sobra kasing masakit. Napakabuti mong tao,” bahagi ng caption ni Espanto sa larawan nila ng dating manager.
Nitong Lunes nang matagpuan sa isang bahay sa Pampanga ang bangkay ni Karen na tadtad ng saksak sa katawan at may sugat sa ulo.
Si Darren naman ay special guest sa finals ng Singer 2019 ng China bukas, April 12.