Guilty ang filmmaker at kontrobersyal na director na si Darryl Yap matapos ang reklamong cyberliber na inihain ng kampo ng TV host na si Vic Sotto kaugnay sa teaser ng pelikulang ‘The Rapist of Pepsi Paloma.’
Batay sa inilabas na resolusyon ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC), nakitaan ng sapat na basehan ang reklamo ni Sotto. Ngunit isang count lamang ng cyberlibel ang kinatigan ng korte mula sa 19 counts na naunang isinampa ng TV host.
‘The undersigned Assistant City Prosecutor accuses DARRYL RAY SPYKE YAP y BALINGIT of the crime of Libel under Arts. 353 and 355 of the Revised Penal Code, as amended, in relation to violation of Sec.4(c)(4) of R.A. 10175, otherwise known as the Cybercrime Prevention Act of 2012,’ saad sa dokumento.
Tinukoy rin sa dokumento, na nakitaan ng probable cause ang reklamo ni Sotto dahil direktang binanggit ang pangalan nito sa teaser ng pelikula.
Maalalang sa teaser ng pelikula kung saan tampok sa eksena ang mga artistang sina Gina Alajar at Rhed Bustamante, tinanong ng karakter ni Gina si Rhed na bilang Pepsi kung ”ni-rape” ba aniya siya ni ”Vic Sotto,” na agad namang inamin ni Pepsi na ”oo!”
Kaugnay pa nito na maaring makulong si Darryl Yap ng hanggang anim (6) na taon.
‘I HEREBY CERTIFY, that the crime or offense charged in this case has a prescribed penalty of not more than six (6) years of imprisonment without regard to fine and hence, an expedited preliminary investigation was conducted in this case pursuant to Section 8, Rule V of DOJ Department Circular No. 28 series of 2024,’ dagdag pa sa dokumento.
Hinihingian rin ng korte na magbayad ng P10,000 ang filmmaker bilang danyos.
Samantala noong Enero 9, 2025, isinampa ni Vic Sotto ang 19 counts ng cyberlibel laban kay Yap.
‘Wala naman ngayong tugon ang kampo ni Yap hinggil sa desisyon ng Muntinlupa RTC.