-- Advertisements --
Naghain ng piyansa ang film director na si Darryl Yap dahil sa kasong two counts ng cyberlibel.
Aabot sa P20,000 ang piyansang binayaran ni Yap matapos na ilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 203 ang warrant of arrest.
Ang ansabing warrant of arrest ay pirmado ni Presiding Judge Myra Quiambao dahil sa paglabag umano ni Yap ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Magugunitang sinampahan si Yap ng komedyanteng si Vic Sotto dahil sa paglabas nito ng teaser ng kontrobersyal na pelikulang”The Rapist of Pepsi Paloma” kung saan idinadawit ang actor.