-- Advertisements --

Mahaharap sa cyber libel case ang film director na si Darryl Yap.

Ito ay matapos na mapagtibay ni Assistant City Prosecutor Elvin Keith Barrios na mayroong paglabag si Yap sa Article 353 at 355 ng Revised Penal Code o Libel.

Ang nasabing kaso ay mayroong kaugnayan sa isinampa ng actor na si Vic Sotto dahil sa pagpapalabas ng teaser ng pelikulang “The Rapist of Pepsi Paloma”.

Nakita ng prosecutors office na tila pinapalabas sa teaser na ang actor na si Sotto ang siyang nasa likod ng panggagahasa sa namayapang sexy actress.

Kapag nahatulan ay mahaharap si Yap ng pagkakakulong ng hanggang anim na taon at may piyansa sa bawat count ng tig-P10,000.