-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Dasal sa maykapal ang tanging armas laban sa Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Ito ang sinabi ni Alamada Cotabato Mayor Jesus Sacdalan.

Kaya hiniling nito sa lahat na magdasal sa Panginoon ng taimtim tuwing alas 6:00 ng gabi.

Aniya, mas makapangyarihan ang dasal sa kahit anong gamot kontra sa nakakahawang sakit.

Naniniwala si Mayor Sacdalan na pagsubok ng Diyos ang sunod-sunod na trahedya at kalamidad na tumama sa bansa at buong mundo.

Aminado si Sacdalan na marami na ang nakakalimot sa Panginoong Hesukristo at nakaalala lamang kung may sakit at may problema.

“Magkaisa, magtulungan, kalimutan ang hidwaan sa politika at importante na magdasal sa Diyos.”

Samantala, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng LGU-Alamada sa mga residente na grabeng naaapektuhan sa coronavirus disease crisis at SAP cash assistance.

Sa ngayon ay nananatiling COVID free ang Banisilan dahil sa pagtutulungan ng lahat na sektor laban sa nakakahawang sakit.