-- Advertisements --

Hangad ng Malacañang ang magandang kalusugan at maayos na kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdiriwang ng ika-75 kaarawan bukas, Marso 28.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kaisa sila ng taongbayan sa pagdarasal sa Panginoon para bigyan ng sapat na magandang kalusugan at “Divine guidance” si Pangulong Duterte sa pagtimon nito sa mga mamamayan sa gitna ng matinding pagsubok ng nakakatakot at nakamamatay na sakit na COVID-19.

Ayon kay Sec. Panelo, dahil sa pandemic na mistulang Armageddon ng hindi nakikitang “lethal invader” na pumapatay sa sangkatauhan, mahirap batiin si Pangulong Duterte ng “Happy BIrthday!”

Pero dahil ang kaarawan ng isang tao ay isang biyaya ng Diyos, sasamantalahin umano ang okasyon para pasalamatan ang Panginoon sa pagbibigay ng buhay sa isang pangulo na may kakaibang estilo ng pamumuno at hindi mapapantayang public service kahit pa kapalit nito ang kanyang buhay, dangal at pagka-pangulo.

Kinumpirma naman ni Sec. Panelo na sa Bahay Pagbabago lamang sa PSG Compound si Pangulong Duterte magdiriwang ng kaarawan bukas, walang bisita kahit mga miyembro ng pamilya dahil sila ay nasa Davao City.

Kaya hindi gaya ng nakagawian, hindi makaka-bonding ni Pangulong Duterte ang kanyang apo sa kanyang kaarawan bukas, bagkus itutuon na lamang nito ang pangunguna sa paglaban sa COVID-19.

“Under these foreboding and grim circumstances how can we greet him with a hearty Happy Birthday!? But the birth of a person is an event that can not pass without recognizing it as a gift from the Almighty. We take therefore this occasion to thank God for giving life to this maverick of a President, and for lending us his time and his indefatigable spirit to serve and protect the people with his unorthodox ways and selfless brand of public service that puts to risk his life, honor and the presidency,” ani Sec. Panelo.

“The nation’s prayers for your good health and well being go to you Mr. President on this day of your birth. Long life! We pray that the Almighty continue to give you enough good health and divine guidance as you safely navigate our people through the rampaging waves of this treacherous ocean of a dreadful disease . God bless.”