Patuloy ang pagbuhos ngayon ng pagdarasal mula sa mga kababayan para sa ikakagaling ng dating Philippine Olympian na si Ian Lariba.
Maraming nagpaabot na mga well wishers sa pamamagitan ng social media.
Kinumpirma na rin ngayong araw ng kanyang pamilya at ng dati niyang paaralan na Dela Salle University (DLSU) na dumaranas ng Acute Myeloid Leukemia (AML) si Lariba.
Nakatakda itong sumailalim sa treatment ngayong linggo.
Una nang nanawagan ang kanyang mga kakilala ng donasyon na dugo sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City Blood Bank na Type O positive, gayundin ay financial assistance.
Ang 22-anyos na si Lariba na tubong Cagayan de Oro City ay ilang beses na ring kumatawan sa Pilipinas sa Southeast Asian Games.
Siya rin ang kauna-unahang Pinay na na sumabak sa table tennis sa Olympiyada.
Noong nakaraang taon ay kabilang siya sa pambato ng Pilipinas sa Rio de Janerio Olympics sa Brazil.
Ilan sa Twitter messages:
DLSU Sportsâ€
Former Lasallian athlete Yan Lariba (@supersaiYAAAN) is in need of blood donations.
Tony Lebron Atayde
La Salle Olympian Yan Lariba is in dire need of Type O blood. Please go to St. Lukes QC Blood Bank. to donate. Such a nice & humble girl
Br. Arian Lopez FSCâ€
DLSU/UAAP Athlete of the Year and Olympian Ian “Yan” Lariba needs Type O blood. Pls go to the St Luke’s Medical Center QC Blood Bank.
taft galsâ€
yan lariba tho 🙁 let’s offer prayers for healing!!! but much needed type o blood if we can pls!
kim kiannaâ€
so overwhelming to see the DLSU Sports community uniting for Yan Lariba