-- Advertisements --
Isinailalim na ng lokal na pamahalaan ng Dasmariñas ang kanilang lungsod sa state of calamity dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue sa kanilang lugar.
Batay sa datos , mas mataas pa ito kaysa sa bilang ng kaso noong nakalipas na taon.
Sa isang pahayag, sinabi ng Office of Civil Defense Calabarzon na nakipag-ugnayan na sila sa city government ng Dasmariñas .
Ito ay para pag-usapan ang pagtaas ng kaso ng Dengue sa kanilang lugar.
Batay sa datos , pumalo na sa 928 ang naitalang kaso ng Dengue sa lungsod.
Ito ay may 397% na mas mataas kumpara sa 233 na naitalang kaso sa parehong panahon noong nakalipas na taon.