-- Advertisements --

Agad pinawi ng Commission on Elections (Comelec) ang pangamba ng ilan sa ulat ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na mismatch sa mga elections returns.

Ayon kasi sa PPCRV, nasa 1.61 percent ang mismatch na involve ang 240 election returns at ng transparency media server para sa naganap na halalan noong Mayo 9.

Pero paliwanag ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na nakatanggap ang PPCRV ng 45,135 election returns (ERs) at nakapag-encode naman ng 30,727 ERs.

Sa naturang bilang, nasa 30,235 ERs ang naitalang nag 100 na nag-match.

Dagdag nito, ire-review raw ng PPCRV ang 240 ERs manually at muling iba-validate ang mga ito mula sa kanilang mga sources.

Muli naman daw itong ipo-proseso kapag natukoy na ang dahilan ng mismatch.

Isa namang tinitignan na rason ng komisyon sa posibleng dahilan ng mismatches ay ang mga volunteers na dahil sa pagod na ay hindi na nila masyodong nabasa nang maayos ang mga numero.