LEGAZPI CITY – Bumagsak sa 8% mula sa dating 94% ang bilang ng mga frontliners ng Philippine General Hospital (PGH) na gustong magpabakuna ng COVID-19 vaccine.
Una rito, napag-alaman na mayorya ng fronline workers mula sa PGH ang gustong mabakunahan ng COVID-19 vaccine ng Pfizer subalit unang dumating ang Sinovac mula sa China.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay All UP-PGH Workers Union Manila Chapter President Karen Mae Faurillo, hiling ng mga healthcare workers na mataas ang efficacy rate ng bakunang ituturok sa kanila bilang isag frontliners na expose sa banta ng COVID-19.
Nanindigan rin si Faurillo na dapat bigyang karapatan ang mga fronline workers na pumili ng bakunang ituturok sa kanila at walang magyayaring pamimilit.
Maliban pa dito dapat rin aniyang tiyakin na may pananagutan ang pamahalaan sa anumang COVID-19 vaccines na magdudulot ng adverse effect.
Paya naman aniya ang mga healthcare workers mula sa PGH na magpabakuna basta gamit ang bakunang ligtas at mataas ang efficacy rate.
Samantalan nasa 100 tauhan na ng naturang ospital ang nabakuhanan kontra COVID-19 gamit ang gawa ng Sinovac ng China.