Pumanaw na ang dating actor na si Ariosto Reyes Jr.
Sinabi ng director na si Benjie Garcia, ilang taon na rin itong nakikipaglaban sa cancer.
Noong nakaraang dalawang linggo ay lumala pa ito at siya ay nakoma.
Halos 20 taon itong nawala sa showbiz.
Taong 2019 ng bumalik siya sa pagbida sa Magpakailanman sa Blisee Cervantes Story.
Naging malapit itong kaibigan ng actress na si Vivian Foz.
Ilan sa mga pelikula kung saan ito nakasama ay ang “Gumuho Man Ang Langit” noong 1969, ” Magsisi Man Ako” , “Wanted Perfect Mother” noong 1970, “Bayan Ko, Kapit Sa Patalim” noong 1984 at maraming iba pa.
Naging nominado ito bilang best supporting actor sa Urian sa pelikulang Dormitoryo subalit tinalo siya ni Mark Gil sa pelikula nitong “Palipat-Lipat, Papalit-palit”.