-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating actress na si Janet Bordon sa edad na 61.
Kinumpirma ito sa pamamagitang ng social media post ng kapatid nitong si Rozel.
Nakasaad sa post na 31 taon na nakikipaglaban sa cancer ang dating actress at sumailalim ng siyam na operasyon.
Nagpasalamat rin ito sa mga kaanak at fans na nagdasal sa agarang paggaling nito noong nakaraang mga taon.
Nagsimula ang career ng actress sa pelikulang “Ako Si Emma, Babae!” kung saan kasama ang pumanaw na actor na si Rudy Fernandez at ang huling pelikula nito ay “Moises Platon” na pinagbidahan ni Bong Revilla.