Kinumpirma ng Department of Justice ang pagkaka-aresto sa isang dating ahente ng Bureau of Immigration sa loob mismo ng Justice Department compound sa kasong scamming.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang suspect ay may sakit sa pag-iisip at nagpapakilala bilang ahente ng BI sa kabila ng kanyang pagkaka-dismissed sa serbisyo.
Ayon kay Remulla, nagpa-selfie pa ito sa kanya habang nakuhanan naman ito ng hindi lisensyadong baril.
Paliwanag ni Remulla, maraming kakilala ang suspect sa loob ng DOJ dahil alam niya ang sistema.
Mahaharap ang suspect sa kasong may kinalaman sa illegal possession of firearms.
Hindi naman tinuloy ng kalihim kung anong partikular na aktibidad ang kinasasangkutan ng suspect dahilan upang maaresto ito.