Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na tuluyan na nitong sinibak sa pwesto si dating Albay Governor Noel Rosal.
Batay sa desisyon ng naturang anti-graft body , nakitaan ng matibay na basehan ang kasong ‘grave misconduct’, ‘oppression’ at ‘conduct prejudicial to the best interest of the service’ na inihain laban sa kaniya at kanyang asawa noong 2022.
Ang kanyang asawa ay nagsilbi bilang alkalde ng Legazpi City.
May kinalaman ang kaso sa umano’y hindi makatwirang paglilipat ni Rosal sa pwesto sa ilang department head ng kapitolyo.
Ayon sa Ombudsman, naging sanhi ito ng pagkakaroon ng epekto sa operasyon at paghahatid ng serbisyo sa publiko at mga mamamayan ng Albay.
Samantala, pinatawan ng Ombudsman ng isang taong suspension si Mayor Geraldine Rosal.
Ito ay may kaugnayan sa paglilipat niya sa pwesto kay Legazpi City Engineer Clemente Ibo sa kapitolyo.
Samantala, bawal na ring humawak ng anumang posisyon at trabaho sa anumang opisina ng gobyerno si dating Albay Governor Noel Rosal.