-- Advertisements --
DAGUPAN CITY- Dating alitan at love triangle ang nakikitang motibo sa ginawang pamamaril sa isang mangingisda sa Brgy Linoc sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Rommel De Guzman , 46 anyos na residente sa nabanggit na lugar.
Sa nakalap na impormasyon, pauwi na ng kaniyang tahanan ang biktima lulan ng kaniyang tricycle nang sundan ito nang 2 lalaking lulan ng motorsiklo.
Nang malapitan ay saka ito binaril. Nakuha sa pinangyarihan ng insedente ang isang basyo ng calibre 45 pistol .
Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima na ngayon ay nasa maayos ng kalagayan.
Nagsasagawa naman ng dragnet operation ang kapulisan para sa ikakaaresto ng mga suspek.