-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sinampahan ng criminal complaint sina dating Pilar Mayor Gideon Ike Patricio, anak nitong si incumbent Sangguniang Bayan (SB) member Mitchelle John Patricio, at ang mag-asawang sina Leonard Fernandez at Ma. Paz Patricio-Fernandez ng Barangay Poblacion, Pilar, Capiz sa Office of the Ombudsman Visayas.

Nilalaman ng 15 pahinang complaint ang paglabag umano ng naturang mga indibiwal sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Swindling at Falsification of Public Document sa ilalim ng Revised Penal Code.

Maliban pa rito, sinampahan rin ng administrative charges ang mag-amang sina Gideon at Mitchelle dahil sa Gross/Grave Misconduct, at Conduct Prejudicial to the interest of the Service.

Nag-ugat ang reklamo nang nalaman ng Transparency and Accountability Task Force ng naturang bayan na may iregularidad sa donation na lupa ng mag-asawang Fernandez sa lokal ng gobyerno ng Pilar.