-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hinalughog ng mga otoridad ang tahanan ng dating alkalde sa probinsya ng Maguindanao.

Sa bisa ng search warrant na inisyo ni RTC 12 Branch 16 Judge Alandrex Betoya ay ni-raid ng mga tauhan ng Criminal Investigation an Detection Group (CIDG-BARMM) ang tahanan ni dating Datu Blah Sinsuat Maguindanao Municipal Mayor Ibrahim”Datu Manot”Sinsuat Jr sa Brgy Upper Capiton Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Narekober sa loob ng bahay ni Sinsuat ang isang M16 Bushmaster,Isang 9MM Jericho Pistol,isang kalibre.45 na pistola,mga bala at mga Magazine.

Nanguna sa raid si CIDG – BARMM Maguindanao Provincial Field Unit Commander, Police Major Esmail Madin.

Lider umano ng isang Private Armed Groups (PAGs) si Datu Manot Sinsuat at maraming mga armas na tinatago basi sa search warrant na inisyo ng korte.

Mariin namang pinabulaanan ni Sinsuat na may mga PAGs sya at ang kanyang mga armas ay lisensyado.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek at asawa nito sa CIDG-BARMM at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Explosive.