ROXAS CITY – Sinampahan na ng kaso ang dating alkalde ng bayan ng President Roxas, Capiz na nahuli ng mga kasapi ng Provincial Mobile Force Company na nagpapaputok ng kaniyang baril sa Resources Services Livelihood (RSL) Center sa Barangay Cabug-Cabug, sa naturang bayan.
Kasong Alarm and Scandal ang isinampa sa pamamagitan ng regular filing sa Provincial Prosecutors Office laban sa dating alkalde na si Don Ramon Locsin, 73 anyos ng Ilang-Ilang Locsin Street, Barangay 5, Silay City, Negros Occidental.
Nabatid na naka-hospital arrest parin sa ngayon ang dating alkalde matapos sumama ang pakiramdam nito kasunod ng pagkakaaresto sa kaniya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, ginawa umanong firing range ng dating alkalde ang likod na porsyon ng naturang pasilidad.
Patuloy namang ibineberipika ng mga otoridad kung balido ang permit to carry firearm na ipinakita ng dating alkalde dahil kung hindi ay posible rin itong sampahan ng kasong Illegal Possession of Firearm.