-- Advertisements --

Naniniwala si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog na tama ang ginagawang tugon at hakbang ngayon ng kasalukuyang administrasyon para protektahan ang karapatan ng bawat tao sa bansa.

Ayon kay Mabilog, isa ito sa dahilan kung bakit nakumbinsi siyang umuwi ng bansa matapos ang pitong taon na pamamalagi sa Estados Unidos.

Pangunahing layunin ng kanyang pagbabalik ay upang ilahad ang kanyang mga pinagdaanan mula ng mapabilang ang kanyang pangalan sa drugs list ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kalaunan aniya ay naging hit list.

Makailang ulit rin ang naging pagbabanta sa kanyang buhay ng dating pangulo ng bansa.

Mula sa US, nasusubaybayan niya aniya ang isinasagawang imbestigasyon ng House Quad Committee .

Ito ang dahilan kung bakit buong tapang itong nagdesisyon na umuwi sa Pilipinas sa kabila ng takot sa kanyang dibdib.

Sa susunod na linggo ay inaasahang dadalong muli si Mabilog sa pagdinig ng komite.